Onward Dominicans

Palit-ulo bago Balik-Guo

Hindi ba sapat ang mahigit isang bilyong halaga upang mapreso agad-agad ang na-dismissed na mayora?

Nadakip sa Tangerang City, Indonesia nitong ikatlo ng Setyembre, 2024 si Guo Hua Ping o mas kilala bilang si Alice Guo. Binansagang makupad ni Senator Sherwin Gatchalian ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP), sapagkat mas matulin pang nahuli ang magkapatid na Guo sa ibang bansa kaysa sa Pilipinas: labing walong araw kumpara sa dalawang buwan ng paghahanap ng ating mga awtoridad.

Limpak limpak na halaga ang nakapatong sa ulo ni Guo bukod pa rito ang tumataginting na mahigit isang bilyong pisong nakalaan mula sa pinagsamang intelligence at confidential funds para lamang madakip ang nagtatagong dating mayor.

Maluwat nang dapat nabubulok sa bilangguan hindi lamang si Guo, kung hindi pati mga tumutulong upang pagtakpan at makatakas siya ng bansa nang walang tala sa Bureau of Immigration (BI). Nasasamantala ang mabahong sistema ng gobyerno kaya napadadali ang pagtakas ng mga nagdadala ng pinsala.

Sa Pilipinas lamang makakikita ang mahigit isang buwang pagka-antala ng balita na nakalabas na pala ng bansa ang sinasabing isa sa ulo ng mga iligal na POGO sa bansa. Makupad ang aksyon na isinasagawa gayong hindi naman nagkukulang sa pondo na nakalaan. Malaking pagkukulang ang nakikitang dahilan sa tagal ng panahong inabot nito bago madakip si Alice Guo.

Kasalukuyang naka-piit sa Indonesia ang na-dismissed na mayora. Patong-patong na kaso ang naghihintay rito sa Pilipinas laban sa kanya kaugnay ng mga umano’y ilegal na aktibidad sa Bamban at sa buong bansa.

Bunga ng masamang panahon na hatid ng bagyong Enteng at ng sunod-sunod na pagkansela ng klase, naantala ang mga nakatakdang gawain sa St. Dominic Academy of Pulilan, Inc. (SDA) ngayong linggo.

Kabilang dito ang paglulunsad ng English month na sa halip na ilunsad sa paaralan, nagkaroon na lamang ng soft launching kahapon sa Facebook page ng SDA.

Kasama sa mga nakatakdang gawain ang Global Resources for Assessment Curriculum and Evaluation, Inc. (GRACE) Diagnostic Test sa English at Science na lalahukan sana ng mga mag-aaral mula Baitang 7 hanggang 10 ngayong araw subalit isasagawa na lamang ito sa susunod na linggo, Setyembre 13.

Naantala rin ang Holy Spirit Mass/First Friday Mass kasabay ng pormal na pagtatalaga sa Class, Clubs, Parent, at Personnel Officers, at ang pinakakinasasabikan ng mga mag-aaral na Acquaintance Party na sabay-sabay dapat na gaganapin bukas ngunit inilipat ang araw ng pagdiriwang sa Setyembre 19.

Samantala, tuloy na tuloy naman ang paglulunsad ng Solid Waste Ecological Management (SWEM) Program bukas.

Paliwanag ni G. Jomari Garcia, chairman ng SWEM Program, ipagpapatuloy ang relaunching ng nasabing programa kung hindi magsususpinde muli ng klase sa Pulilan.

#

Anne Loreign Fernando, Katuwang na Punong Patnugot

Comments

Leave a comment

Advertisement

Newsletter

Get the latest updates delivered to your inbox.

Full signup

Tags

Get In Touch

WR3X+6VC, Pulilan, 3005 Bulacan

odmaisu@gmail.com

Follow Us
Popular News
FRC Oct 2, 2022
Rev Fr. Pascual: Praying the Rosary is a hotline to God
FRC Oct 3, 2022
FRC Day 5: Increase your faith, Fr. Tayem tells Dominicans
Categories
OD Photos

© by Steven Gabriel T. Garcia. All Rights Reserved.