“Katulad ni Hesus, tayo rin ay nakararanas ng takot at pangamba sa ating buhay. Pero kapag alam nating sinusunod natin ang kalooban ng Diyos, alam nating ang mga takot na ito ay mapapawi lahat dahil ang siya ang ating lakas.”
Iyan ang isa sa mga katagang ibinahagi ni Rev. Fr. John Patrick Gumasing, ang Kura Paroko ng Parokya ng San Francisco ng Assisi–Meycauayan sa mga Dominikano na dumalo sa ikaapat na araw ng Family Rosary Crusade (FRC).
Inihayag niya rito na normal ang makaramdam ng takot. Marahil pati si Hesus ay nakararamdam din nito dahil siya ay isang tao. Kaya hindi natin kailangang mangamba kung alam nating tama ang ating ginagawa dahil ang Diyos ay laging nasa puso natin para bigyan tayo ng lakas.
“Kapag tayo’y mayroong takot, tumawag tayo sa Panginoon at tayo ay humawak sa rosary. Dahil ang rosaryo ay ang ating lakas at ang nagbibigay sa atin ng panibagong buhay,” dagdag pa niya.
Ang ating mga takot at pangamba sa buhay ay nagdudulot sa atin ng anxiety(pagkabalisa) kung saan lagi natin iniisip ang sasabihin ng iba. Kung kaya’t kapag tayo ay nakakaramdam nito lagi tayong tumawag sa panginoon dahil siya ay laging nariyan para tayo ay gabayan at bigyan ng lakas kung alam nating kalooban ng diyos ang ating ginagawa ipagkakaloob rin sa atin ng diyos ang biyaya.
“Kapag tayo’y mayroong takot, tumawag tayo sa Panginoon at tayo ay humawak sa rosary. Dahil ang rosaryo ay ang ating lakas at ang nagbibigay sa atin ng panibagong buhay,” dagdag pa niya.
Isinaad ni Fr. Patrick na iyan ang dahilan kung bakit mahalagang hindi nawawala sa ating katawan ang rosaryo. Dahil tulad ng Mahal na Birheng Maria, ito ang nagbibigay lakas at tumutulong sa atin upang tayo ay bigyang muli ng pagyakap at paghawak na malapit tayo sa kaniyang anak na si Hesukristo.
Sa huli naiwan sa mga Dominikano ang kasiguraduhan na ang ang ating takot at pangamba ay lilipas din, lagi lamang tayong magtiwala sa Panginoon at siguraduhing ang ating ginagawa ay nasa kaniyang kalooban. Kasama ng rosaryo at ng Mahal na Birheng Maria, lahat tayo ay may lakas na nagmumula sa kanila na tumutulong sa atin sa pang-araw-araw na buhay.
.
Editors: Saif Gaddiel Medina, Marriane Joyce Mag-isa, Arrianne Kyle Fernando
Comments
Leave a comment
Latest News
Newsletter
Get the latest updates delivered to your inbox.