Onward Dominicans
FRC Sep 28, 2025

“Pagninilay sa malasakit at presensiya ni Maria”

“Kasama si Maria, natututo tayong umasa; Kasama si Maria, natututo tayong magmahal.”

Binigyang-diin ni Rdo. P. Mandy Malijan, OP sa kaniyang homiliya ang malaking pagkakaiba ng dalawang ugali: ang “ma” o “malay ko” ng mayamang lalaki—na walang pakialam sa kapwa, at ang “pa” o “pakialam ko” na siyang tunay na diwa ng pananampalataya.

“Ang kwento ay isang babala tungkol sa kawalan ng malasakit sa kapwa. Kapag ang puso ay nananatiling manhid, wala itong lugar para sa biyaya ng Diyos,” ayon kay P. Malijan.

Sa bawat “Aba Ginoong Maria” na binibigkas sa rosaryo, pinaaalala na dapat isabuhay ang malasakit at pag-ibig. Hindi sapat ang pagdarasal kung hindi ito humahantong sa pagkilos para sa kapwa sabi niya.

Ang Family Rosary Crusade ay hindi lamang pagsamba, kung hindi hamon na gawing mas buhay ang presensiya ng Diyos sa ating mga tahanan at komunidad.

Binigyang-pansin din ng pagninilay ang Birheng Maria na laging nasa paligid ng kaniyang mga anak. Mula sa kasal sa Cana hanggang sa paanan ng Krus, ipinakita ni Maria ang isang pusong mapagmalasakit at bukas sa kalooban ng Diyos.

Hinihikayat ang mga pamilya na tularan ang kaniyang halimbawa—ang hindi pagiging manhid sa pangangailangan ng iba.

Sa pagpapatuloy ng ika-31 na Family Rosary Crusade, ipinapaalala na ang pamilyang nagdarasal ng rosaryo ay hindi nagsasabing “ma” o malay ko” kundi nagpapatunay ng “pa” o pake ko.”

photos courtesy of the OD FRC Media Team
Writer: Ace Daniel Caluag, OD Staffer
Editors: Mj Mag-isa, Arrianne Kyle Fernando, Ace Daniel Caluag

Comments

Leave a comment

Advertisement

Newsletter

Get the latest updates delivered to your inbox.

Full signup

Tags

Get In Touch

WR3X+6VC, Pulilan, 3005 Bulacan

odmaisu@gmail.com

Follow Us
Popular News
FRC Oct 2, 2022
Rev Fr. Pascual: Praying the Rosary is a hotline to God
FRC Oct 3, 2022
FRC Day 5: Increase your faith, Fr. Tayem tells Dominicans
Categories
OD Photos

© by Steven Gabriel T. Garcia. All Rights Reserved.